CAPITAL "B" FOR BUSTED
- tinpee07
- Apr 12, 2020
- 3 min read
Busted ba kamo? Ok lang yan mga bes ito ang tips para sa inyo.
1. Kumanta ng sobrang lakas ng "I'm leavin' on a jet plane, don't know when I'll back again." Tapos magpakalalayo-layo ka prend, yung tipong hindi mo na ma sa sight yung mga punyemas, hudas at peste mong mga kaibigan na euphoric ang tawa sa sinapit mong kabiguan sa buhay.
2. Bumili ka ng book ni Senyora. Oo prend yung book ni Senyora na may titulo na "lakompake". Basahin mo, sige prend saktan mo ang sarili mo gaya ng pananakit at pagdurog nya nung sinabi nyang hanggang kaibigan lang ang turing nya sayo. Sariwain mo lang hanggang sa masanay ka sakit.
3. Gaya nung number 2 sanayan lang yan prend. Yan yung keyword sa pag mo move on. Hindi ka pa ba naman nasasanay na ma reject? Eh kahit nga sa tricycle o sa dyip na re-reject ka kapag pumapara ka, sa lablayp pa kaya? Think prend. Think.
4. Mag shower ka. Magpakalunod ka sa tubig. Malay mo yan pala ang kulang sayo kaya na reject ka. Hindi naman masamang maligo araw-araw, hindi mo ikamamatay yun. Maghilod kang mabuti, hugasan mong maigi ang sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng ligo. Mas madaling gumaling ang mga galos at hapding mararamdaman mo sa labis na paghihilod kaysa sa sakit ng puso mong bigong-bigong.
5. I-divert mo sa iba ang atensyon mo. Magbasa ka, manood ng mga interesting movie, mag google ng mga unfamiliar word o trivia kaya. Patabain mo din ang utak mo hindi yung tumataba na ang katawan mo dahil sa sobrang lakas ng parating mo. Nakaka turn-off ang pagiging noob prend pero mas lalo ang kayabangan.
6. Be better not bitter. Kung babae ang advice na ito for sure laspag na laspag na. Sobrang gasgas na pero hindi mo parin ginawa. Tama na ang pag-atungal gabi gabi at pag s-stalk sa wall nya sabay pula sa bago nyang kinakalantari. Baka may mali sa ugali mo o sa pagdadala mo ng sarili. Uso namang magbago prend kelan ka ba makiki-uso?
7. Igapos mo sabay salvage...teka teka mali ang iniisip mo. Wag mong sasaktan yung nanakit sayo. Wag demonic prend ok? Igapos mo sabay salvage ng nagwawala mong ego. Alam ko na bukod sa masakit sa puso ay masakit din sa ego ang tanggihan ka ng taong gusto mo. Hindi makakatulong sayo kung lagi mong iintindihin ang pesteng ego mo na yan. At hindi din sagot ang pag-iinarte mo na galit ka sa mundo thingy mo sa kaawa-awang kalagayan mo ngayon.
8. Sikapin mong wag kang kainin ng sistema. Wag sobrang humugot hindi na nakakatuwa. Yung tipong lahat na lang ng bagay o pangyayari sa buhay mo may hugot ka. Alam kong mataba ang utak mo pagdating sa mga kadramahan sa buhay pero utang na loob wag masyadong O.A. Haller nabusted ka lang kaya hindi ikaw yung niloko o pinagpalit sa iba. Hayaan mong kainin sila ng sistema mas may karapatan sila dun.
9. Magpa-abs ka. Oo pagpaguran mo ang mga pandesal na makukuha mo mula sa mga pagpapa-cute mo sa gym. Angal ka pa prend micro ka din wag mo akong linlangin. -.- Bukod sa magandang katawang makukuha mo, malilimutan mo din yung time na halos ipagsigawan nya sayong sobrang pangit ka kaya hindi ka nya nagustuhan.
10. Easyhan lang natin. Pwede ka namang manligaw ng iba. Siguro hindi talaga sya para sayo. O malay mo sinusubukan ka lang nya. Pwede mo naman huwag sukuan. Tandaan karaniwan sa mga hinog at mabubuting bunga ay nasa matataas bahagi ng sanga. Huwag mag settle sa hinog sa pilit na abot lamang ng iyong kamay. Paghirapan mo dre .
tintin 1:31 am
Kommentare