OLI
- tinpee07
- Apr 12, 2020
- 2 min read
"You got a fast car. Is it fast enough so we can fly away? we gotta make a decision leave tonight or live and die this way..."
Tuwing mapapakinggan ko tong kantang to ikaw ang unang pumapasok sa isip ko and I'm wondering kung naaalala mo ba yung time na pilit kong kinakanta to sayo tuwing makikita mo ito posted sa timeline ko. It's been 1 year and 5 months na din. I was so shy to ask you kung anong bago sayo last time when we talked. Na mi miss padin kita haha.
"...and I remember when we were driving. Driving in your car speed so fast..."
Napapangiti padin ako sa tuwing makikita ko yung ring na may pinagsamang pangalan nating dalawa. Hanga nga ako sa ring na yun eh. Imagine eventhough it's made from wire hindi naman sya kinalawang di gaya ng pag-iibigan natin (you know na ang kadugtong ). Chill na baby, ikaw padin yung nakakapag pakilig sakin s t'wing binabasa kong muli yung dati nating usapan sa fb. (of course sweetie hindi ko binubura yun) Ang tagal na pero hindi ko malilimutan na ikaw yung natatanging tao na ginawan ko ng video hahaha (kahit ang pangit ko dun), yung kahit sinusulat ko lang sa sand yung name mo e napapangiti na ako, nag plan ng future with you, humiling sa mga stars na ikaw na sana talaga, yung tanging tao na gusto kong balikan paulit ulit pero hindi nagpumilit (haha) at lastly nagpaiyak sakin. Pero honestly baby, wala akong nararamdamang bitterness. Ang dami kong naitagong magagandang memories with you, naaalala mo pa ba yung kwento nila Oli? yung kulitan natin sa skype? yung mga bahay,stairs,pool and pets nating balak pag magkasama na tayo? Naging masaya ako sayo ng sobra. Naka move on man tayo sa isa't isa hindi kita makakalimutan kase sobrang naging masaya ako sayo. I'm preparing myself kase I'm still looking forward on that "date" that we promised to each other. I hope matupad mo yung dream mo. Ako padin ang unang magiging masaya for you.
"I had feeling that I belong and I had a feeling I could be someone...be someone...be someone..."
Ps. baby yung kwento nila Oli me kadugtong na naman. Akala ko tapos na yun haha.
Tin September 2016
Comments