top of page

SUGAT

  • Writer: tinpee07
    tinpee07
  • Apr 12, 2020
  • 2 min read

May mga sugat na minsan hindi natin alam na nasa atin na pala. Magugulat ka na lang dahil may mga patak ng dugo sa sahig...sa lamesa na magtutulak sayo para magtaka. Bakit? Kailan? Paano mo nakuha? Malayang lalabas ang buntung-hininga at kagaya ng mabilis na paghampas at pagbalik ng mga alon sa dagat, raragasa ang mga memorya sa kung saan, kailan, bakit at paano mo nakuha ang hiwa sa iyong sistema. Saka mo pa lang maiintindihan na tinaydor ka ng katawan mo. Nagmanhid ang parteng nasugatan kaya huli na bago mo nalaman, dumudugo na, hindi maampat ang dugo subalit hindi sumasakit. Magmamadali kang tatakbo sa gripo kasabay ang malalakas na dagundong sa iyong dibdib. Natatakot ka,oo matatakot ka kase kagaya nila, tao ka din na may damdamin. Itatapat mo ang sugat sa ragasa ng tubig sa gripo, huhugasan, uusal ng isang panalangin na sana maampat na ang pagdurugo. Babalutan mo ito ng papel, ng tela, o ng anumang makakapigil dito sa pagdurugo. Tumigil na, sa wakas tapos na ang lahat. Lumipas ang mga segundo, minuto, matuling tumakbo ang kamay ng orasan at nawaglit na sa isip mo ang nangyari. Hindi mo rin namalayan na lumaglag na ang tapal. Naglapat na ang mga balat sa sugat, mistulang walang nangyari. Subalit sa isang pagkakamali, ng inangkin ng tubig ang katawan mo, sumiksik ang bawat parte sa iba't ibang sulok...lumandas sa sugat...kumalas sa pagkakadikit ang balat. Unti-unti mararamdaman mo ang sakit. Mahapdi pala. Napakahapdi pala. Hindi mo mapipigilan ang sarili mong silipin ito at magugulat ka sa isang reyalisasyon na malalim pala ang nilikhang sugat ng kapabayaan mo. Ngayon ay kumikirot ito at kahit anong ihip at talon mo, hindi parin maalis ang katotohanang hindi ito gagaling sa pagmamadali mo. Sapagkat ang sugat na likha ng matalim na bagay ay kusang pinaghihilom ng panahon at pagkakataon.  

8:38 PM

♉️


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page