top of page

HAPPY ENDING

  • Writer: tinpee07
    tinpee07
  • Apr 12, 2020
  • 1 min read

Bakit nga ba kailangan ng magandang ending sa movie? Siguro kung pagsasama-samahin ko ang mga sagot mula sa iba't ibang uri ng tao, salitang "satisfaction" ang makukuha ko. Tama nga naman dahil hindi ba, kaya tayo nanonood ng pelikula ay for the sake of entertainment. Kasingdami ng mga pelikula ang mga emosyong maaari nating maramdaman habang nanonood. Maganda ang simula, the best din ang gitna, subalit bakit pagdating sa huli sumasama? Bakit walang magandang ending? Ano ba ang ibig sabihin pag magandang ending? Kailangan ba payapa na lahat? Pag tragic ba ang ending hindi na sya maganda? Nakakatawa ano? Hanap tayo ng hanap ng magandang ending, pero sa reyalidad bihirang bihira naman itong mangyari. Sa reyalidad hindi laging masaya...sa reyalidad nakakaiyak na agad sa umpisa. Minsan nakakatakot nadin manood o magbasa, dahil baka sa huli hindi din mangyari yung naisip mong maganda. Maaari namang i-fast forward o buklatin ang pahina sa dulo para makita mo kung worthwhile ba. Pero ang hirap padin diba? kase pwede mong ma-spoil ang pelikula. Dapat na ba tayong mag stick sa reality? kung saan komplikado ang mga konsepto...ang mga bagay...ang mga tao.Sa reyalidad kung saan unpredictable ang mga pangyayari. Doon sa reyalidad na maraming disappointment na magiging dahilan ng pagka nocturnal mo. Ang daming tanong, nakakatakot ang reyalidad, ang hirap para sa katulad kong ang tanging gusto lamang ay happy ending sa movie man o sa tunay na buhay.  


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page