GLOOMY--(gloom in ME)
- tinpee07
- Apr 12, 2020
- 1 min read
May mga gabing nakakalungkot. Minsan kahit ikaw mag-iisip din ng dahilan kung bakit. Sa pagdungaw mo sa bintana tanging malamlam lang na ngiti ng buwan ang babati sayo na lalo pang magpapatindi sa iyong nararamdam. Titingala ka sa langit sa pag-asang may bituin kang masisilip, subalit wala. Hindi mo mamalayan na sunod sunod na pala ang pagpapakawala mo ng buntonghininga kasabay ng lalo pang paglalamlam ng iyong mga mata.

Comments