Musika ng Kasawian
- tinpee07
- Apr 12, 2020
- 1 min read
Maingay na ritmo ng musika Pumipiga, sumasaklit sa pusong aba Dumudurog, Bumabayo, Pumapatay sa sistemang bumabalot sa pagkatao Ganito pala ang pagmamahal Parang ekstasi Parang alak Parang yosi Nakakaadik Nakaka high Nakakamatay Patuloy ang indayog ng maingay na musika Mga mumunting haplos... Nakatutulig sa tenga Bawat pailanlang ng nota Punyal ang hatid Sumusugat Dumidilig Sa kasawian ng pag-ibig Tn07 10-07-11 09:41 PM
Comments