top of page

"Rayter"

  • Writer: tinpee07
    tinpee07
  • Apr 12, 2020
  • 1 min read

Gusto kong umibig sa isang manunulat Na paghihilumin ng titik ang aking mga sugat Kukulayan nya ng mga letra ang aming pagmamahalan Pakiligin ang aking puso gamit ang isipan Gusto kong umibig sa isang manunulat Na pipiliin ang komedya sa bawat paglisan Mga deskripsyon, pangako nais kong pakinggan Haplusin ng tugma ang aking katwiran Gusto kong umibig sa isang manunulat, Na kahit kailan hindi ako sasaktan Ang magiting na pluma magsisilbi kong gabay Isayaw ako gamit ang tayutay Gusto kong umibig sa isang manunulat Na kaya akong ipaglaban sa dila man ng kapalaran Kinakalyo nyang kamay nais kong hawakan 

Sa bisig ikulong ako, kailanma'y wag bitawan


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page