top of page

F L E E

  • Writer: tinpee07
    tinpee07
  • Apr 12, 2020
  • 1 min read

Darating pala talaga yung panahon na magiging maayos ang lahat. Maghihilom ang mga sugat at magiging isang ala-ala na lamang ang mga paalam. Muli, tila musika sa pandinig ang katahimikan at nakakapangiti ang dampi ng hangin sa ngayon ay tuyo mo ng mga pisngi. Panatag ka na kaibigan. Isa-isa mo ng napulot at nabuo ang dati'y basag mong katauhan. May isang bagong ikaw na nakangiti sayo sa harap ng salamin. Wala na ang bakas ng lungkot at pait sa mga mata. Muli itong nagniningning para bang handang handa na sa panibagong hamon ng buhay pagka't alam nyang mas malakas na sya ngayon...mas matapang at mas matalino. Buong puso na niyang tinanggap ang kabiguan at lungkot na dala ng buhay...ng pag-ibig. Masaya na syang nagpapasalamat ngayon sa lahat ng aral na kanyang natutunan. Masaya na sya...masaya na ako kaibigan. Maraming salamat sa lahat. Mananatili kang isang napakagandang ala-ala na itatago ko at kailanman ay hindi na bubuksan pa. Handa na akong buksan ang bagong yugto ng buhay ko. 3:35

04/16/2018


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page